MAY mga kaibigan kami sa Baler, Aurora nagdiwang ng Pasko dahil mas gusto raw nila ng tahimik na lugar at malayo sa mga usok at ingay sa Metro Manila.
Pero wala namang masyadong usok at ingay noong Disyembre 25 dahil umulan nga at ang mga tao ay halos nasa malls lahat.
Anyway, nabanggit ng non-showbiz friends namin ang kuwento ng mga tao sa tinirhan nilang hotel doon na madalas pala sa Baler ang freelance actor na may kasamang kaibigang lalaki. Tinanong tuloy kami kung gay daw ba ang nasabing actor.
Bago pa kami nakasagot ay nagkuwento ulit ang friends namin na madalas din daw nakikita roon ang Kapuso actress kasama ang Kapuso actor at mahilig daw silang mag-swimming, as in.
Medyo supladita raw ang Kapuso actress, hindi namamansin at dire-diretso lang kapag dumadaan sa lobby ng hotel kasama ang Kapuso actor na itinatago ang kanilang mukha sa malaki nilang shades at baseball cap.
Teka, ang pagkakaalam namin ay hindi naman magkarelasyon sina Kapuso actress at Kapuso actor, ah? Ano ‘yun? May inililihim silang ugnayan?
Hayan, isipin na kung sinu-sino ang Kapuso stars na mahilig magsuot ng baseball cap.