Sa kabila ng pagbaba ng demand para sa mga foreign nurse sa United States, umabot sa 3,253 Pinoy nurse ang kumuha ng US National Licensure Examination (NCLEX) sa unang pagkakataon mula Enero hanggang Setyembre 2014.

Sa kabila ng oversupply ng mga nurse sa US, sinabi ni Assistant Majority Leader at Cebu Rep. Gerald Anthony Gullas Jr. na nadaragdagan pa rin ang mga Pinoy nursing graduate ang kumukuha ng NCLEX sa pagasa na makapagtatrabaho sila sa America.

“Bagamat medyo magastos, ilang Pinoy nursing graduate ang kumukuha ng NCLEX upang masabing naipasa nila ang exam bilang dagdag sa kanilang credential kapag sila ay kukuha ng trabaho sa ibang bansa. Ilan sa kanila ang hindi na umaasa na makahahanap pa sila ng trabaho sa mga ospital sa US,” ani Gullas sa isang kalatas.

Aniya, tumaas pa ng 10 porsiyento ang mga Pinoy NCLEX examinee ngayong taon kumpara sa 2,952 noong nakaraang taon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ngayong 2014, nagkaloob ang Professional Regulation Commission (PRC) ng lisensiya sa 22,202 nurse na bagong graduate.

“Walang oversupply ng nurse sa US ngayon. Sa katotohanan, 43 porsiyento ng fresh nursing graduate sa America ang hindi nakakuha ng trabaho matapos ang 18 buwan nang makuha nila ang kanilang lisensiya,” ayon kay Gullas.

Ang dahilan aniya ay mas ninanais ng mga ospital na panatiliin ang mga senior nurse na mas may karanasan sa trabaho hanggang sila ay magretiro imbes na kumuha ng mga bagitong nurse.