Naniniwala ang mga lider ng Kamara na papayagan ng Sandiganbayan si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na muling makalabas ng Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City upang makapiling ang kanyang mahal sa buhay sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, who leads House independent bloc sought extension of the four-day holiday furlough granted by the Sandiganbayan First Division, as Mrs. Arroyo is set to return to the Veterans Memorial Medical Center (VMMC) today, December 26 at 2 p.m.

“We are very thankful to anti-graft court’s ruling allowing a four-day pass to (former) President Arroyo during Christmas. I appeal once again for compassion and humanitarian reasons to please exten her furlough until New Year,” pahayag ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Pinangunahan ni Romualdez ang House independent bloc na humiling sa pagpapalawig ng apat na araw na holiday furlough na ipinagkaloob ng Sandiganbayan First Division. Dakong 2:00 ng hapon kahapon (Disyembre 26) nang bumalik si GMA sa VMMC, kung saan siya naka-hospital arrest, matapos manatili sa kanyang bahay sa La Vista, Quezon City nang tatlong araw.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Umapela si Romualdez sa anti-graft court ng pang-unawa at payagan si Ginang Arroyo na muling makapiling ang kanyang pamilya sa kanilang tahanan hanggang Enero 3, 2015 tulad nang unang hiniling sa korte ng kampo ng akusado.