KC-Concepcion

ABUT-ABOT ang pasasalamat ng entertainment press kay KC Concepcion noong Disyembre 22 sa thanksgiving dinner na ipinatawag niya na ang karamihan sa mga dumalo ay matagal na niyang kakilala at loyal friends din ng kanyang Mamita Elaine at Mommy Sharon Cuneta.

Bagamat hindi naman namin inabot ang pagiging generous ng mamita at mommy ni KC ay nagpapasalamat din kami dahil napasama kami sa mga inimbitahan niya.

Nakakatuwang pagmasdan si KC habang aliw na aliw at masayang-masaya sa kanyang sariling pa-raffle. Nang malaman niya na marami pa ang hindi nanalo ay nagsabi siya ng, “There’s more...” na ilang beses niyang nabanggit, kaya sige, dagdag siya nang dagdag ng mga papremyo.

Metro

3 katao, arestado sa pamemeke ng PWD IDs

Iilan na lang ang hindi nanalo, pero may bongga pa rin naman siyang pamasko para sa lahat. Sa kabila ng generous gifts na ibinigay, siya pa ang panay ang pagpapasalamat sa lahat ng mga dumalo.

In fairness, tama ang bukambibig ng mga katoto na pinakabongga na ang ginanap na thanksgiving dinner ni KC at sana raw ay totohanin ng aktres ang sinabi niyang gagawin niya ito taun-taon.

Samantala, sa presscon nina KC at Paulo Avelino earlier than day para sa “Exchange Gift” episode nila para sa Give Love On Christmas na mapapanood simula sa Enero 5 ay nalaman ng press na ‘tila tumutulong na rin ang dalaga sa pagpapalaki ni Paulo sa kanyang anak.

Naikuwento ng dalaga na pinayuhan niya ang aktor tungkol sa relasyon nito sa anak na si Aki na nasa pangangalaga ng inang si LJ Reyes.

Naranasan kasi ni KC ang sitwasyon ngayon ni Aki na hindi sa amang si Gabby Concepcion lumaki kundi sa kanyang Mama Sharon. Ang pagkakaiba lang ay labintatlong taong hindi nakita ng aktres ang ama na sa Amerika nanirahan. Samantalang si Paulo naman ay nagagawang bisitahin at ipasyal ang anak kapag may libre siyang oras.

“Kung ano ’yung situation ng son niya ngayon, ako ’yung batang ’yun dati, so kahit paano naisi-share ko sa kanya kung ano ba ang magandang gawin para sa bata, kung ano ba ’yung maaalala ng bata or ano ba ’yung magandang gesture para mas maging strong ’yung bond nila ng anak niya. Because na-experience ko ’yun first hand.

“Kung anuman ang naging maganda sa relationship namin ni Papa, sa relationship namin ni Mama, kung bakit hanggang ngayon naging strong ’yung bond namin kahit thirteen years kaming hindi nagsama ni Papa. So, magandang naging bonding ’yun sa amin na na-share ko sa kanya ‘yung personal.

“Kumbaga, may serious moments din kami na talk na parang encouragement din na huwag ma-overwhelm because he’s young, na sa mga blessing na nakukuha niya sa ABS-CBN ngayon, isa siya sa valued stars dito, na huwag ma-overwhelm, na not to take anything for granted, ganu’n,” kuwento ni KC sa presscon.

Nagpapasalamat naman si Paulo sa payo ng dalaga na aniya’y talagang naa-appreciate niya.

Dagdag pa ng aktres, “so, happy ako na kahit paano, though marami rin akong kailangang matutunan, maganda rin ’yung nasi-share ko rin sa kanya kung ano ’yung naging experience ko as a Kapamilya, from birth and things lang na natutunan ko the hard way, puwede kong i-share sa kanya para hindi na niya kailangang ma-experience ’yung mga bagay na hindi maganda.”

Dapat lang magpasalamat si Paulo kay KC dahil malaking bagay ang mga nai-share na ito sa kanya para lalong gumanda ang relasyon nila ng anak niya at sa kabilang banda alam na rin niya kung paano alagaan ang relasyon nila ng aktres.