Dwyane Wade, LeBron James

MIAMI (AP)- Mahigpit na nagyakapan sina LeBron James at Dwyane Wade sa pregame, nag-usap at nagtawanan sa halftime, at muling nagyakapan matapos ang final buzzer.

Hindi na iba iyon para sa kanila lalo pa at nagkasama sila ng ilang taon.

Ngunit sa pagkakataong ito ay isa lamang ang dapat magsaya sa panalo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagbalik si James sa Miami bilang kalaban.

Umiskor si Wade ng 24 sa kanyang 31 puntos sa unang half, nagposte si Luol Deng ng 25 puntos kung saan ay nadepensahan nang husto si James sa kabuuan ng laro, at talunin ng Heat ang Cleveland Cavaliers, 101-91, sa kainitan ng Christmas matchup kahapon.

‘’We didn’t have a bad breakup,’’ pagmamalaki ni Wade. ‘’We played against each other for seven years, man. The weirdness just wasn’t there. It wasn’t like we played against each other our whole career and the breakup happened. We played against each other for seven years, then with each other for a period of time, then he went back to the same situation and I’m in the same place.’’

At ito ang example kung gaano umusbong ang kanilang malapit na relasyon: Nang si James ay magbalik sa Cleveland sa offseason matapos ang apat na seasons at dalawang titles sa Heat, at dumating ang Cavaliers sa South Florida noong Huwebes, nagpunta ang four-time NBA MVP sa bahay ni Wade para makihalubilo sa Christmas Eve.

Nagselebra ng ika-30 kaarawan si James noong Miyerkules. May mga katanungan siya sa 32-anyos na si Wade kung ano ang kaibahan ng nasabing mga edad. At ito nga ang pinag-usapan nila at ‘di na pinag-usapan pa kung hahantong ba ang Cavaliers bilang championship contender at kung paano ang Heat na makarating sa .500 mark.

‘’We only play this game for so long,’’ saad ni James, tumanggap ng warm ovation nang ang video ng kanyang Heat highlights ay ipinalabas sa unang quarter. ‘’You’ve still got life afterwards. For us we’re going to compete, we’re going to go about our business and do what we need to do in our profession. You’ll never let friendship come in between that.’’

Tumugma ang kanilang pag-uusap hinggil sa kanilang buhay makaraan ang edad 30, dahil sa ikapitong pagkakataon sa kanilang head-to-head meetings ay kapwa sila umiskor ng mahigit sa 30 puntos.

Nagtala si James ng 30 puntos at 8 assists para sa Cavaliers, nakakuha ng 25 mula kay Kyrie Irving at 14 mula kay Kevin Love.

‘’Couple of the best in this generation,’’ pahayag ni Heat coach Erik Spoelstra hinggil kay James at Wade. ‘’Spectacular. I wish I could sit back and enjoy it like a fan, because it’s just fantastic basketball. ... However long these two guys play, you’ll get your money’s worth.’’

Inasinta ni Deng ang 8 puntos at 8 assists sa Miami. Nagsalansan si Chris Andersen ng 12 para sa Heat, umungos ng mahigit sa 17, napag-iwanan pansamantala sa fourth quarter bago muling umarangkada.

Wala sa hanay ng Miami si Chris Bosh, patuloy na pinagpapahinga sanhi ng calf injury.

Taglay lamang ni Wade ang 2-for-12 matapos ang halftime. Taglay din ng kanyang backcourt mate na si Mario Chalmers ang 2-for-12 sa laro.

Nakakita ng daan ang Miami, kahit pa humulagpos ang kanilang 17-point lead, naging kahalintulad din sa 23-pointer laban sa Philadelphia kamakailan.

Naikasa ni James ang go-ahead dunk sa transition sa nalalabing 11:20 sa orasan. Makaraan ang nasabing slam, itinarak ng Cleveland ang 78-77 kalamangan, subalit nakakuha siya ng technical foul sa matagal na pagsabit sa rim.

Isinagawa ni Wade ang free throw matapos ang technical para itabla ang laro. At angat sa 90-87 sa huling bahagi ng laro, umatake ang Heat tungo sa 11-4 spurt.

‘’We’re not that good right now,’’ sambit ni James. ‘’We’ve won some really good games, we’ve lost some games, but we’re not that good right now.’’

TIP-INS

Cavaliers: Nagsimula si Love bilang sentro, pinalitan ang ngayon ay out-for-the-season na si Anderson Varejao. Binalutan ang binti ni James matapos ang leapfrogging sa hanay ng baseline seats sa third quarter, habang nagkagalos ang tuhod ni Irving mula sa collision sa final moments. ... Susunod na bibiyahe ang Cleveland sa Miami sa Marso 16.

Heat: Naisagawa ni Wade ang kanyang ika-10 paglalaro sa Christmas, may dalawang beses na kalamangan sa iba pang mga manlalaro sa kasaysayan ng Heat. May apat na laro naman si Chalmers, pumarehas kina Bosh at James. ... Pansamantalang naantala ang second half.

FREE THROWS

Isinalansan ni James ang 18 free throws. Ikinasa ang Heat ang 17.

DENG’S NIGHT

Wala pang naisasadlak si Deng ng halos sa 25 puntos, 8 rebounds at 8 assists. ‘’This game meant a lot to a lot of people,’’ pahayag ni Deng.