NEW YORK (AP)– Sina LeBron James ng Cleveland at Stephen Curry ng Golden State ang nangungunang vote-getters sa unang bagsak ng NBA All-Star fan voting.

Si James ay may 553,000 boto para sa Eastern Conference frontcourt spot kung saan ay pumapangalawa si Carmelo Anthony ng New York at ikatlo naman si Pau Gasol ng Chicago sa resultang inilabas kahapon.

Si John Wall ng Washington ang nanguna para sa mga guwardiya sa East at No. 2 naman ang dating kakampi ni James sa Miami na si Dwyane Wade.

Mahigit 549,000 boto ang nakalap ni Curry upang malampasan ang second-place na si Kobe Bryant sa West guards. Si Anthony Davis ng New Orleans ang may pinakamaraming boto para sa West frontcourt habang si Blake Griffin ng Clippers at Memphis center Marc Gasol ang sumusunod.

Impeachment case ni VP Sara, maaari pang madagdagan?

Magtatagal ang botohan hanggang Enero 19, at ang starters para sa laro sa Pebrero 15 sa New York ay iaanunsiyo sa Enero 22.