Sinintensiyahan ng Sandiganbayan ang isang dating mayor sa Romblon at isang tauhan nito bunsod ng ghost purchase ng mga biik na dapat ay ipamamahagi sa maliliit na hog raiser.

Walong taong pagkakakulong ang parusa ng Sandiganbayan Special Second Division laban kina dating Looc Mayor Manuel Arboleda at dating Municipal Planning and Development Coordinator Fermina Gaytano dahil sa pamemeke ng mga opisyal na dokumento sa pagbili ng mga biik.

Ayon sa desisyon na nilagdaan nina Associate Justice Samuel Martires, Special Second Division Chairperson Teresita Diaz Baldos at Associate Justice Napoleon Inoturan, pinagmumulta rin ng P3,000 ang bawat isa sa mga sinentensiyahan.

Sinabi ng anti-graft court na nagkutsabahan ang dalawa sa pamemeke ng Report of Inspection and Deliveries noong 1991, na nakasaad na ininspeksiyon nila ang 40 biik na dapat ay ipamamahagi sa mga hog raiser bagamat hindi ito nangyari.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

“From the testimonies of the witnesses presented by the prosecution, especially that of Nonie Severino who allegedly supplied the piglets for the hog raising project, it has been established that no piglets were delivered on November 21, 1991, contrary to that certified to by accused Arboleda and Gaytano in the Report of Inspection of Deliveries,” ayon sa desisyon ng Sandiganbayan.

At kung hindi rin nilagdaan ng dalawa ang report, sinabi ng korte na hindi sana natuloy ang bayaran kay Nonie Severino, ang nanalong bidder sa proyekto, at hindi na sana nahuthot ang P20,000 mula sa kaban ng pamahalaang bayan.