BAGUIO CITY – Isang malamig na bangkay ng isang binatilyo ang naiahon sa lawa malapit sa Camp John Hay Golf course matapos malunod noong Martes, Disyembre 23 sa siyudad na ito.

Umabot 16 na oras ang isinagawang pag-aahon sa bangkay na isinagawa ng pulisya katuwang ang Bureau of Fire and Protection at City Disasters Risk Reduction and Management Council.

Nakilala ang biktima na si Kim Marinas,14, residente ng Country Club sa Baguio City. - Zaldy Comanda
National

VP Sara sa pananatili niya sa The Netherlands: ‘May duty rin ako sa isang kababayan natin!’