Nagpapatuloy ang ensayo ng binuong women’s national volleyball team (Amihan) at men’s team (Bagwis) ng Philippine Volleyball Federation (PVF) kahit Kapaskuhan kung saan ay nakaamba ang posibilidad na malusaw ang koponan bunga ng nagaganap na kaguluhan sa liderato ng asosasyon.

Maagang isinelebra ng Amihan at Bagwis, kasama ang national volley management team at sponsor na Philippine Long Distance Telephone (PLDT), ang Kapaskuhan matapos magsagawa ng team building at outing sa isang resort sa Pansol, Laguna.

“It was a team building na kasama na rin ang pagdedebelop sa chemistry ng team at commitment ng mga player at Christmas party na din for the entire team. The team also had a dinner last Friday with the PLDT officials in Makati to show to the team their full support,” sinabi ni PVF secretary-general Rustico Camangian.

Nagkasundo naman sa nasabing aktibidad ang mga manlalaro na huwag magpaapekto sa nagaganap na gusot sa liderato ng asosasyon at hayaan sa mga opisyal na maresolba ang kontrobersiya habang patuloy ang puspusang ensayo at paghahanda para sa sasalihang internasyonal na torneo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito ay matapos na ipag-utos ni POC 1st Vice-president Jose Romasanta at itinalagang chairman ng binuong 5-man committee base na rin sa utos ng FIVB at AVC sa pagsasagawa ng try-out upang mabuo ang pambansang koponan na isasabak sa 1st AVC Asian Under 23 Women’s Championships sa Mayo 1-6.

Sinabi ni Camangian na hanggang ngayon ay hindi sila nakatatanggap ng anumang sulat mula sa Asian Volleyball Confederation (AVC) at maging sa International Volleyball Federation (FIVB) hinggil naman sa desisyon nito na nagbibigay ng karapatan sa POC na mag-takeover sa PVF.

Matatandaan na unang bumuo ang isa pang asosasyon ng PVF, sa pangunguna ng dating pangulo ng PVF na si Gener Dungo at golfer na si Edgardo “Boy” Cantada, bago pumasok ang POC na sinabing binigyan ito ng karapatan nina AVC vice president Shanrit Wongprasert at FIVB at AVC Life Honorary President Wei Jizhong upang resolbahan ang kaguluhan sa pederasyon.

Agad itinatag ng POC ang 5-man committee upang alamin ang kaganapan sa liderato at bumuo ng isang bagong Constitution and By-Laws sa bagong liderato ng volleyball.

“Anuman ang mangyari sa liderato ay inaasahan namin na hindi masisira ang samahan ng mga atleta. Sila ang buhay ng volleyball,” pahayag ni Camangian, na binuo ang dalawang koponan kasama si PVF president Karl Chan.

“I know they are after me,” giit ni Camangian. “I am willing to give way for the sake of volleyball. I am not after the position. I am after the welfare of the national team. I challenge them na kung talagang mahal nila ang volleyball ay sama-sama kaming hindi sumali sa eleksiyon to give way to those able and willing to help volleyball succeed.”