Posibleng masibak sa serbisyo ang isang pulis matapos magpaputok ng baril sa kainitan ng pakikipagtalo nito sa kanyang misis sa Binondo, Manila noong Linggo ng gabi.

Pinagpapaliwanag ng liderato ng Manila Police District (MPD) si PO2 Angeli Ballicud matapos siyang makunan ng closed circuit television (CCTV) camera habang ipinuputok ang kanyang baril sa ere habang siya ay nakikipagbangayan sa kanyang maybahay sa Tomas Pinpin St., Binondo noong bisperas ng Pasko.

Base sa CCTV footage, sinabi ng mga imbestigador na tinutukan din umano ng baril ni Ballicud at mga nagdaraan sa lugar at binantaang babarilin ang mga ito.

Naganap ang insidente isang araw matapos ang tradisyunal na pagseselyo ng service firearm ng mga pulis upang matiyak na hindi sila magpapaputok sa paggunita ng Pasko at Bagong Taon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Sinampahan na naming siya ng kasong administratibo at isusunod naming ang kasong kriminal. Kukumpiskahin din naming ang kanyang service firearm subalit hihintayin pa naming namatapos ang imbestigasyon ng General Assignment and Investigation Section (GAIS), ayon kay Supt. Marissa Bruno, MPD-Public Information Office chief.

“Hindi ito kukunsintihin ng aming district director. Hindi dapat magpaputok ang mga MPD police ng kanilang baril nang basta-basta,” giit ni Bruno. - Jenny F. Manongdo