Hangad ni Pope Francis na maghatid ng pag-asa sa mga Kristiyano at iba pang etniko at relihiyosong grupo na dumadanas ng “brutal persecution” sa Iraq at Syria.

Ginamit ng Papa ang kanyang Christmas Day blessing na “Urbi et Orbi”, upang bigyang-diin ang mamamayan, partikular ang mga bata sa Middle East “who for too long now have suffered the effects of ongoing conflict,” aniya, tinukoy ang digmaang sibil sa Syria at ang lumalalang kaguluhan sa Iraq dahil sa Islamic State.

Nanawagan ang Papa ng awa at malasakit para sa refugees “so that all who now are suffering may receive the necessary humanitarian help to overcome the rigors of winter.”

Libu-libo ang nagtipon noong Huwebes sa St. Peter’s Square sa Vatican City upang dumalo sa taunang pagbabasbas ng Papa. - CNN
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists