Ni SAMUEL P. MEDENILLA

Matapos makumpleto ang pagpoproseso ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), handa nang mai-deploy ang mahigit dalawang milyong overseas Filipino worker (OFW) sa may 15 bansa ngayong 2015.

Sinabi ni POEA Administrator Hans Cacdac na mayroong strong demand para sa mga OFW sa ibang bansa, kabilang ang 15 na pansamantalang itinigil ang pagkuha ng Pinoy worker dahil sa kaguluhan at pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Kabilang sa mga apektadong bansa ang Thailand, Ukraine, Venezuela, Libya, Iraq, Kurdistan, Sierra Leone, Liberia, Guinea, Afghanistan, Kenya, Gaza Strip, West Bank, Israel, at Yemen.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Base sa datos noong Oktubre, sinabi ni Cacdac na nakumpleto na ang pagpoproseso sa 2.1 milyong kontrata ngayong 2014, na halos kasing dami ng 2.2 milyong kontrata noong 2013.

Sinabi pa ng opisyal na maaari pang tumaas ang bilang matapos matanggap ng ahensiya ang kumpletong datos ng mga naproseso at naipadala nang OFW sa ibang bansa sa huling tatlong buwan ng 2014.

Samantala, iniulat ni Cacdac na aabot sa 17,000 OFW na nagbabakasyon sa bansa Abenang nakikinabang na sa bagong online system para sa pagpoproseso ng overseas employment certificate (OEC).

Ang OEC ay isang mandatory documentary requirement para sa mga OFW bago sila mabigyan ng awtorisasyon ng gobyerno na makapagtrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Cacdac, nakaiiwas sa mahabang pila sa POEA main office at ibang sangay ng ahensiya ang mga gumagamit ng online system lalo na’t dagsa ang mga OFW ngayong Pasko.

“Umaabot sa 20,000 hanggang 30,000 OFW ang gumagamit ng aming online system para maproseso ang kanilang OEC ngayong peak season,” pahayag ni Cacdac.