CABANATUAN CITY – Dahil mababa ang water level sa Pantabangan Dam, 30 porsiyento ang nabawas sa mga pinatutubigang bukirin sa Nueva Ecija ngayong dry season cropping.

Simula nang maglabas ng tubig ang dama para sa mga service area noong Linggo ay hindi naabot ang target na rule curve para maserbisyuhan ang kabuuang 114,000 ektaryang bukirin sa lalawigan.

Ayon kay Engr. Wildrefo Ramos, operations chief ng Division-I, dalawang lungsod at apat na munisipalidad na may 3,662 ektarya ang hindi mapapatubigan mula sa dam, at apektado ang 18,601 ektaryang bukirin na sakop ng San Jose City at Science City of Muñoz at mga bayan ng Talavera, Quezon, Sto. Domingo at Licab.
National

VP Sara sa mga manggagawa: ‘Nawa’y manatili tayong matatag para sa tunay na kaunlaran’