Ito ay naging buwan ng mga pagkakaiba para sa mga residente ng Metro Manila.

Sa loob ng maraming linggo na, bumababa ang presyo ng petrolyo sa daigdig – mula sa mahigit $100 kada bariles tungo sa $60 hanggang linggong ito. Natapatan naman ito ng mga lokal na presyo. Bumaba rin ang presyo ng gasoloina ng P10.74 kada litro ngayong taon, bumaba rin ang presyo ng diesel ng P12.13 kada litro. Bilang direktang resulta ng bumabagsak na presyo ng petrolyo, ibinaba rin ang pasahe sa jeep sa Metro Manila ng P1.00, at ang presyo ng pagkain at iba pang bilihin ay inaasahang susunod.

Ang bumababang presyo ng langis ay dapat magpasigla ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ng 1.4 puntos, ayon sa Swiss investment bank UBS. Sa isang magandang ulat para sa 2014, umaasa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na lalago ang exports ng bansa ng mahigit 6 porsiyento.

Noong isang araw, gayunman, ang magandang ulat ay pinapangit ng isnag ulat na ang singil sa tubig sa Metro Manila ng kapwa Maynilad at Manila Water ay tataas, kasunod ng pag-apruba ng mga bagong rate upang saklawin ang foreign exchange costs na inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) simula Enero 5, 2015. Maaapektuhan nito ang mga budget ng mga pamilya sa Metro Manila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

At dumating ang maaaring pinakamalaking dagok sa mga manggagawang populasyon ng Metro Manila – ang pagtataas ng pasahe ng tatlong light train system ng Metro Manila – ang Light Rail Transit (LRT) 1 na bumibiyahe mula Monumento, Caloocan, hanggang Baclaran, Parañaque, via Rizal Ave. at Taft Ave.’ Metro Rail Transit (MRT) na bumibiyahe sa EDSA; at LRT 2, na kilala rin bilang Megatren, na bumibiyahe mula Recto Ave. sa Manila hanggang Santolan sa Pasig City.

Mahigit 800,000 katao ang isinasakay ng MRT kada araw; 1,500,000 sa LRT 1; at 2,250,000 naman sa LRT 2. Nagbabayad ang mga commuter ngayon ng P15.00 lamang kada sakay gayong P60 ang pasahe sa MRT at P40 naman sa LRT. Simula sa Enero 4, kailangan nilang magbayad ng P11.00 base fare plus P1.00 kada kilometro – isang pagtaas ng 87 porsiyento. Marapat lamang at rasonable ang pagtataas na ito, ayon sa Malacañang. Napapanahon din ito at matagal na dapag ipinatupad, dagdag pa nito, ngunit para sa mga commuter, bad timing ito dahil itinahon ang pahayag sa pagbaba ng presyo ng petrolyo, mataas ang exports, sa gitna ng iba pang senyales ng pag-unlad ng ekonomiya.

May ilang commuter ang nagtanong: Hindi ba puwedeng paunti-unti ang pagtataas ng pasahe? Dalawang kongresista – sina Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate ang nagsusulong ng House investigation upang matiyak, anila, na ang pagtataas ng pasahe ay hindi lamang “passing government responsibility and corporate greed, not to mention corrupt practices, onto hapless commuters.” “It is an added insult and an injustice to the suffering public whose very lives are put on the line everyday,” ani Sen. Grace Poe.

Maaaring ito ang simula ng isang mapait na hidwaan na kasasangkutan ng maraming respetadong opisyal, ang susunod na pangyayari sa serye ng nakalulungkot na insidente na kinasasangkutang MRT at ng matagal nang nagdurusang mga pasahero. Pagkatapos ng maraming paghihirap ng mga pasahero ng MRT, malaking kamalasan uli kung matutuklasan nila na sila mismo ang talo.