MIAMI (AP)- Walang anumang paghuling magaganap kay LeBron James sa kanyang homecoming.
Walang dapat ikatakot, walang tunay na pag-aalala sa kanyang kaligtasan. Ngunit ‘di naman klasipikadong homecoming ito dahil ‘di naman tunay na tirahan niya ang Miami, ang lugar na namalagi siya sa loob ng apat na taon.
Dumating siya, nanalo ngunit lumisan din.
Kahapon ay nagbalik si James upang makaharap ang Heat, ang koponan na nagpasikat sa kanya at two-time NBA champion superstar. Makakaharap ngayon ni James at Cleveland Cavaliers ang Heat para sa emotional Christmas visit, at inaasahan ni James na babahain siya ng positibong pagbati.
‘’To say I haven’t thought about going back, I would be lying,’’ saad ni James sa Cleveland noong Miyerkules matapos na talunin ng Cavaliers ang Minnesota. ‘’It’s going to be great to be back in that building around those unbelievable fans and the memories will definitely come back, being a part of the organization for four years.’’
At sinabi naman ng Heat na isa itong reunion at walang halong galit sa pagbabalik ni James.
Katunayan, may litrato pa si Heat coach Erik Spoelstra sa kanyang opisina, at nandoon din ang ilan sa napakalaking litrato ng kanilang ‘’Championship Alley’’.
Patuloy na may contact si James sa kanyang mga dating manlalaro, isa na ang kanyang malapit na kaibigan na si Dwyane Wade.
‘’He made the right decision. He went home,’’ pahayag ni Wade. ‘’You can’t say nothing about that decision when someone decides to go home.’’
Ang homecoming drama ay kakaiba matapos ang apat na taon.
Nagbalik si James sa Cleveland noong Disyembre 2, 2010, ang unang pagkakataon matapos na lumagda siya bilang free agent sa siyudad na kumanlong sa Akron native.