Mahigit 300 military volunteer ng South Korea ang bumalik na sa kanilang bansa matapos ang matagumpay nilang humanitarian assistance and disaster response (HADR) mission sa mga lugar na sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa Leyte.

Binansagang “Araw” contingent, bumalik na sa South Korea ang mga tauhan ng Republic of Korea Armed Forces (ROKAF) lulan ng Korean Airlines noong Disyembre 22 subalit iniwan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang P200-milyon equipment na ginamit sa rehabilitasyon sa Leyte.

Pinangunahan ni Maj. Gen. Estaquio P. Manalo, commander ng 2nd Air Division; at Ki-seog Lee, Korean Consul General sa Cebu, ang send off ceremony para sa ROKAF sa Brig. Gen. Benito N. Ebuen Air Base sa Lapu-lapu City.

Nag-alay din ng bulaklak ang pamilya ng mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) sa mga sundalong Korean bilang pagpapasalamat sa kanilang pagtulong.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sa pamumuno ni Col. Chul Won Lee, dumating ang Araw contingent sa Tacloban City noong Disyembre 28, 2013 at nagtatag ng kanilang kampo sa Palo, Leyte upang magsagawa ng relief and rehabilitation operations sa daan-libong nasalanta ng Yolanda.

Pinangunahan ng “Araw” contingent ang pagkukumpuni ng mga nawasak na imprastraktura, paglilipat ng mga abandonadong sasakyan, pagsasaayos ng supply ng tubig, pagalis sa santambak na debris, pagsasagawa ng medical at dental mission at pagsusulong sa feeding program.

Nagkaloob din ng libreng pagpapalabas ng pelikula ang ROKAF sa mga biktima ng bagyo. - Elena Aben