Disyembre 26, 1135 nang makamit ni King Stephen of Blois ang kanyang trono bilang hari sa Westminster Abbey. Siya ay isinilang sa Blois, France noong 1097, at siya ang apo ni William the Conqueror.
Sa kanyang unang taon bilang hari, naging matagumpay si Stephen of Blois sa pagprotekta sa England at France mula sa pag-atake nina Geoffrey of Anjou at David I ng Scotland. Ngunit noong 1139, nang maranasan ang isang problema na tinawag na “the Anarchy,” ito ay matapos tangkain ni Empress Matilda na agawin ang royalty crown mula sa kanya, at noong 1141, ang kanyang mga tagasuporta ay iniwanan siya.
Taong 1153, nagwakas ang 15-taong kaguluhan matapos pumayag si Stephen of Blois sa Treaty of Wallingford, na tinawag din na Treaty of Winchester. Dahil sa kasunduan, siya ay napanatili sa kanyang trono bilang hari noong Oktubre 25, 1154 sa Dover, England.