?????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????

Makapagpakita ng mas magandang performance sa susunod na taon.

Ito ang ipinangako ni Kia Motors president, CEO at siya ring team board representative sa PBA na si Ginia Domingo.

``We will do better,`` ani Domingo sa kanyang ipinadalang statement bago ang araw ng Pasko.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

``As a newcomer in the pro league, we knew from day one that we were going to have a tough and challenging entry in th PBA,`` dagdag pa nito.

At dahil na rin sa kakulangan ng sapat na karanasan, tumapos ang KIA na pinamumunuan ng kanilang playing coach na si Manny Pacquiao ng isang panalo lamang sa loob ng labing-isang laro sa kanilang unang conference sa PBA.

Ayon pa kay Domingo, ginawa naman lahat ng kanilang mga player ang kanilang makakaya, partikular sa aspetong agad na makapag-jel at magkaroon ng solidong teamwork, sa kabila ng napakaikling panahon matapos itong mabuo upang sumalang sa ongoing Philippine Cup.

Ngunit sa kabila ng lahat, maraming pagkakataon na kinakapos sila matapos ang magandang panimula dahil na rin sa kakapusan sa sapat na experience at kakulangan sa teamwork.

Kaya naman ay rerepasuhin aniya nila, ayon kay Domingo, ang kanilang performance sa kanilang inisyal na conference upang maayos ang kanilang koordinasyon at standings sa susunod na conference na magsisimula sa Pebrero 2015.

Kasabay nito ay ang ipinangako ni Domingo na sisikapin nilang mapanindigan ang kanilang binuong battlecry.

``You can count on the Kia Sorento basketball team to live-up to its marketing battlecry as a team with the power to surprise,`` ayon pa kay Domingo.