BATANGAS CITY – Binuksan na sa publiko at maaari nang matawiran mula sa Poblacion at sa silangang bahagi ng Batangas City ang pontoon o footbridge.

Ito ang pansamantalang solusyon ng pamahalaang lungsod habang hindi pa nakukumpuni ang tulay ng Calumpang River na winasak ng bagyong ‘Glenda’ ilang buwan na ang nakalilipas.

Ayon kay Atty. Reginald Dimacuha, chief of staff, ang 123-metrong pontoon bridge ay maagang pamasko sa mga taga-Batangas na kinakailangan pang sumakay ng bangka para makatawid.

Ayon kay Engr. Adela Hernandez, ng City Engineer’s Office, ang footbridge na may kapasidad na 300 katao ay may lapad na 2.4 metro at ginastusan ng may P8.5 milyon mula sa calamity fund ng lungsod.

Biliran Bridge, pinangangambahan dahil umuugang parang alon