Paglipas ng Pasko, mayroon pang tatlong holiday ang ideneklara ng Malacañang bago magtapos ang 2014.

Subalit nananatiling isang working day ang Disyembre 29.

Base sa Proclamation 655 na inilabas ng Malacañang noong 2013, ang mga natitirang regular holiday sa 2014 ay Disyembre 30 (Martes), sa paggunita ng Araw ni Rizal.

Ang natitirang special non-working holiday sa 2014 ay Disyembre 26 (Biyernes); at Disyembre 31 (Miyerkules), bisperas ng Bagong Taon.

National

VP Sara, nahainan na ng subpoena ng NBI

Sa pagpasok ng 2015, samantala, nag-aabang ang dalawa pang holiday para sa mga mamamayan.

Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Proclamation No. 831 noong Hulyo 2014 na nagdedeklara sa Enero 1, 2015 (Huwebes), Araw ng Bagong Taon, bilang isang regular holiday habang ang Enero 2 (Biyernes) ay ideneklarang special non-working holiday.