Pito katao ang sugatan sa karambola ng 11 sasakyan makaraang mawalan ng preno ang isang pampasaherong bus sa Parañaque City kahapon ng umaga.

Nagtamo lamang minor injuries ang pitong biktima na agad isinakay sa ambulansiya at dinala sa isang pagamutan.

Inaalam ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang pagkakilanlan ng driver ng Jethro Bus na may biyaheng Cavite-Bulacan na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Base, dakong 8:00 ng umaga nang mawalan ng preno ang bus kaya inararo nito ang dalawang taxi, dalawang van, dalawang kotse, isang SUV, isang pick-up, isang jeep at isang motorsiklo sa kanto ng MIA Road at Coastal Road sa nasabing lungsod na ikinasugat ng mga pasahero buhat sa iba’t ibang sasakyan.

Probinsya

LTO enforcer na nagtatago habang nanghuhuli, inisyuhan ng show cause order

Ayon sa awtoridad, walang nakitang dokumento sa loob ng bus para matukoy ang driver gayunmang nakikipagugnayan na ito sa kumpanya ng bus kaugnay sa insidente.

Samantala, nagdulot ang aksidente ng matinding pagbibigat ng trapik sa Coastal Road, Barangay Tambo at bahagi

ng Baclaran.