MAKALIPAS ang 13 taong pagsasama, nagdesisyon nang maghiwalay ang American couple na sina Tim Burton at Helena Bonham Carter.

Isang tagapagsalita ni Carter ang mismong nagkumpirma sa Yahoo na ang dalawa ay, “separated amicably earlier this year and have continued to be friends and co-parent to their children.” Dugtong pa nito: “We would ask that you respect their privacy and that of their children during this time.”

Nagkakilala sina Burton, 56 at Carter 48 noong 2001 nang maging director ito ng Planet of the Apes. Hindi sila ikinasal, ngunit sila ay may dalawang anak na sina Billy Raymond, 11 at Nell, 7.

“They say Tim and I are a mad couple with subterranean tunnels between our adjoining houses, and that our children live down the road with another couple,” pahayag ni Carter sa Radio Times sa UK noong 2010. “We just have two houses knocked together because mine was too small. We see as much of each other as any couple, but our relationship is enhanced by knowing we have our personal space to retreat to. It’s not enforced intimacy. It’s chosen, which is quite flattering — if you can afford it.”

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Pagkatapos ng kanilang tambalan sa Planet of the Apes, nagsama rin sila sa iba pang pelikula kabilang na ang Fish, Charlie and the Chocolate Factory, Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street, Alice in Wonderland at Dark Shadows.

Bagamat nagdesisyong maghiwalay, pinapanatili nilang maging malapit sa isa’t isa. Nitong Sabado, isinapubliko ni Nicole Scherzinger sa Instagram ang larawan nina Burton at Carter habang itinatanghal ang Cats.

Kasalukuyang ipinapakilala ni Burton ang kanyang bagong pelikula na Big Eyes, ang istorya ng buhay ng pintor ba si Margaret Keane na pinagbibidahan nina Amy Adams at Christoph Waltz. Ngayong taon ay nominado si Carter sa kanyang pagganap bilang Elizabeth Taylor sa Burton& Taylor. - Yahoo News/Celebrity