Hanggang ngayong ginugunita na ng daigdig ang pagsilang ng ating Panginoon, kabilang ang aming 10-anyos na apo sa mga nagtatanong: Nasaan ba at ano ang tunay na diwa ng Pasko. Natitiyak ko na ang katanungan ding ito ang inihahanap ng katugunan ng maraming sektor ng sambayanan.

Maging ang itinuring na mga henyo ng panitikan ay manaka-naka ring nag-uusisa – sa pamamagitan ng kanilang mga obra maestra na tulad ng tula, sanaysay, maikling kuwento, lathalain at nobela – kung paano madadama ang tunay na mensahe ng Pasko; kung paanong ito ay ipagdiriwang nang taos sa puso at walang pagkukunwari.

Maaaring palasak na o pangkaraniwan, subalit nakagawian nang unahin ng ating mga kababayan ang pagsabit ng parol at iba pang dekorasyong pamasko sa kanilang mga tahanan; mumurahing Christmas decor para sa mga maralita at mararangya para sa mga nakaririwasa. Sa paghahanda ng mga pagkain, makikita ang malaking agwat ng mayaman at mahirap. Higit na naiiba ang mga lutong-bahay, native fruit at simpleng inumin kaysa sa mga hamon, red wine at mga prutas na inangkat pa sa ibang bansa; mga pagkain ito na sa pangarap lamang makikita at malalasahan.

Sa paggunita ng Christmas season, magiging tampok ang kabi-kabilang selebrasyon na tulad ng raffle o paripa, exchange gifts, at may mga pabinyag at kasalan. Nagbabakasyon sa iba’t ibang resort na dinarayo ng local at foreign tourists. Hindi maaaring palampasin ng maririwasang pamilya ang pagtungo sa mga tanyag na siyudad sa iba’t ibang panig ng daigdig. Halimbawa, papasyalan nila ang mararangyang Christmas decor sa Oxford Street sa London, Tokyo, Australia, Hong Kong, Bangkok at iba pa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naiiba ang aming na apo. Gumawa siya ng isang Belen na kawangis ng kubol at sabsaban na sinilangan ng Poong Hesus. Iyon ang tunay na diwa ng Pasko. Ito ang sumasagisag sa diwa ng pagpapakumbaba, pagpapatawad, pag-unawa at pagmamahal ng Dakilang Mananakop