Hiniling ng Philadelphia 76ers kay forward Andrei Kirilenko na magpakita na sa koponan at maghanda upang sumabak sa mga laro, sinabi ng mga source sa Yahoo Sports.

Sa ngayon, hindi nakikinig si Kirilenko at kanyang representatives sa mga pahaging ng Sixers at mas gustong i-waive ito ng organisasyon at hayaan siyang maging free agent, ayon pa sa mga source.

Nakumpleto ng Philadelphia at Brooklyn Nets ang isang trade para kay Kirilenko noong Disyembre 11, makailang ulit na ipinahayag ni Sixers general manager Sam Hinkie sa kampo ni Kirilenko na wala silang plano sa hinaharap na pakawalan ito.

Ang Sixers ay mayroong 14 manlalaro sa kanilang roster, kabilang si Kirilenko, at plano nilang muling papirmahin ang forward na si Malcolm Thomas sa Biyernes, sabi ng league sources sa Yahoo Sports.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gusto ng Sixers na magsanay na si Kirilenko pabalik sa kanyang playing condition upang mag-umpisa nang makapaglaro sa mga darating na laban. Ito ay maaaring maging set up para magkaroon ang Philadelphia ng oportunidad na mai-deal si Kirilenko para sa isang asset sa trade deadline ng NBA sa Pebrero, o hayaan siyang muling makuha ang kanyang market value para sa free agency sa summer.

Kung anuman, malabong panatilihin ng Sixers si Kirilenko sa paglagpas ng trade deadline – sa pamamagitan ng paghahanap ng deal upang makakuha sila ng asset, o simpleng pag-waive sa kanya.

Si Kirilenko, 33, ay nais na makuha ang balanse ng $3.3-milyong nakatakda niyang makuha ngayong season, ayon sa sources.

Sa ngayon, tumatanggi siyang sumama sa Sixers, na tangan ang pinakapangit na rekord sa liga sa 3-23, ngunit maaari siyang piliting mag-ulat sa koponan dahil sa kanyang kontrata.

Si Kirilenko ay mayroong family medical issue na nagpapanatili sa kanya sa New York mula noong trade, at ito ay malaking dahilan ng kanyang hindi paglalaro para sa Philadelphia.

Ipinadala ng 76ers ang forward na si Brandon Davies sa Nets upang makuha si Kirilenko at nakuha rin ang 2020 second-round pick, gayundin ang karapatan na makipagpalit ng second-round picks sa Brooklyn sa 2018 draft.

Si Kirilenko ay mayroong makulay na NBA at international career. Siya ay isang All-Star para sa Utah jazz noong 2004 at first-team All-Defense noong 2006. Sa kanyang 12 NBA seasons, siya ay naglaro para sa Jazz, Minnesota Timberwolves at Nets. - Yahoo Sports