KAWAWA naman ang aktor na dapat ay siya nang tinitingala ngayon ng lahat pero naunsiyame ang career dahil sa eskandalosong relasyon nila noon ng kanyang ex-girlfriend.

Napunta ang simpatiya ng lahat sa ex-girlfriend ng aktor kaya super-nega ang naging imahe ng huli nang mga panahong iyon. Kinailangan niyang mag-lie low sa showbiz pero kung anu-anong isyu pa rin ang kinasangkutan niya dahil hindi niya alam kung ano ang dapat gawin nang mga panahong iyon.

Samantalang sunud-sunod naman ang projects ng ex-girlfriend ng aktor that time kaya mas lalong pinaniwalaan na ang guy ang may diperensiya.

Pero nitong mga huling araw ay ‘tila nabaligtad ang pangyayari dahil ang career na ng ex-girlfriend niya ang sobrang unsiyame at sobra nang pangit ang imahe bunga na rin ng mga pinaggagawa nito sa personal nitong buhay at kung saan-saang bars pa siya nakikita karay-karay ang tisoy na boyfriend.

National

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'

Ang aktor naman ngayon ang nananahimik dahil busy sa kanyang pag-aaral at napapangiti na lang dahil vindicated siya kung sino talaga sa kanila ng ex-girlfriend niya ang may problema at totoong pasaway.

As of now ay madilim ang paligid ng ex-girlfriend na kung kailan nagseryoso sa kanyang bagong boyfriend ay saka naman siya niloloko.

Natapat kasi sa babaerong bagong boyfriend ang ex-girlfriend ng aktor.

Say ng common friends ng aktor at actress na pareho nang balentong ang career, “digital ang karma.”