KINUMPIRMA na ng tagapagsalita ng American actor na si Chris Klein sa US Weekly ang kanyang planong pagpapakasal. Niyaya ng American Pie alum na magpakasal sa kanya ang nobyang si Laina Rose Thyfault makalipas ang tatlo at kalahating taong relasyon.

“Chris and Laina are very happy and look forward to celebrating their engagement over the holidays,” ayon sa kanyang tagapagsalita.

Nagkakilala sina Klein, 35 at Thyfault, 29 sa kasal ng kanilang kaibigan. Ang pag-aalok ng kasal ay naganap sa Venice Beach, California, nitong nakaraang linggo.

Kailan ang eksaktong araw ng paghahatid sa altar?

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

“Neither one is interested in a long engagement,” ayon sa isang kaibigan ni Klein sa US. so they’re shooting for a summer 2015 wedding,” dagdag pa niya.

Ito ang unang pagpapakasal ni Klein. - US Weekly