TARLAC CITY - Dahil sa maagap na pagresponde ni Senior Inspector Sonny Silva, commander ng Police Community Precinct-8, ay nasabat kahapon ang isang Toyota Vios na matagal nang pinaghahanap makaraang ma-carnap sa Baguio City.

Sa ulat sa pulisya ni Evelyn Quijano, 45, may asawa, negosyante, ng Tandang Sora, Quezon City, ang Vios (AAK-6899) ay sinasabing kinarnap sa Baguio City nina Arthur Seneca, 44, ng Barangay Palayan, Makati City; at Joseph Patrick Villa, 37, ng Bgy. San Josef, Jaen, Nueva Ecija.

Nabatid na nagtungo si Quijano sa Baguio noong Oktubre 20, 2014 at habang abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ay sinamantala ng mga suspek ang pagkakataon at kinarnap ang Vios ng biktima.

‘I don’t intend to run!’ Trillanes, walang natatanggap na alok sa 2028 nat’l election