JACKSON, Miss. (Reuters) – Nanalasa ang mga buhawi na dala ng mga thunderstorm sa US Gulf Coast sa buong southeastern Mississippi noong Martes, na ikinamatay ng apat katao at ikinasugat ng marami pang iba at nagdulot ng malawak na pinsala, sinabi ng mga awtoridad.
Isa sa pinakamatinding tinamaan ang isang commercial district sa Highway 98 bypass sa bayan ng Columbia sa Marion County, may 30 miles (48 km) sa kanluran ng Hattiesburg.
“We’ve got whole roofs lying in the road, people trapped in houses, cars flipped over,” ani Marion County Sheriff Berkley Hall.