Sinilaban ng mga hinihinalang New People’s Army (NPA) ang mga construction equipment sa Paracale, Camarines Norte, ayon sa military.

Ayon sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP)-Southern Luzon Command (Solcom), nangyari ang pag-atake dakong 10:00 ng gabi nitong Lunes sa Barangay Gumaos sa Paracale, na isang tulay ang itinatayo roon.

Apat na heavy construction equipment ang sinilaban ng NPA.

“Isang backhoe, isang road roller at dalawang pay loader ng Varin Construction Company ang sinunog ng mga suspek na nagpakilalang mga miyembro ng NPA,” ayon kay Lt. Col. Medel Aguilar, commander ng 49th Battalion.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Sinabi umano ng mga suspek kay Justino Cardenas, assistant foreman ng Varin Construction Company, na isinagawa ng NPA ang pag-atake bilang parusa sa contractor na hindi pumatol sa kanilang extortion demands.

Nangyari ang pag-atake bago pa idineklara ng NPA ang ceasefire sa militar sa Disyembre 24-26, Disyembre 31-Enero 1 at Enero 15-19, 2014.

Nagpatupad din ang AFP ng SOMO simula noong Disyembre 18 hanggang sa Enero 19, 2015. (Elena L. Aben)