VATICAN CITY (AP) — Sa “seven deadly sins” ng Simbahang Katoliko, idinagdag ni Pope Francis ang “15 ailments of the Curia.”
Naglabas si Francis ng matinding pagkondena sa Vatican bureaucracy noong Lunes, inakusahan ang mga cardinal, obispo, at kaparian na nagsisilbi sa kanya ng paggamit ng kanilang mga karera sa Vatican para magkaroon ng kapangyarihan at magkamal ng salapi, ng ipokritong pamumuhay at paglimot na sila ay dapat na maging mga masayahing nilalang ng Diyos.
Imbes na tradisyunal na pagpapalitan ng pagbati sa Pasko, pinangaralan ng papa ang Curia, ang central administration ng Holy See na namamahala 1.2-bilyong Simbahang Katoliko. Nilinaw niya na ang kanyang mga plano para sa radikal na reporma sa istruktura ng kapangyarihan ng simbahan ay dapat na samahan ng mas radikal na ispiritwal na reporma ng mga taong sangkot dito.
Inisa-isa ang 15 “ailments of the Curia”, hinimok ni Francis ang mga pari na nakaupo sa Sala Clementina na gamitin ang Pasko para magsisi at magbago at gawing mas malusog at mas banal na lugar ang simbahan sa 2015.
Sinabi ng Vatican watchers na ngayon lamang sila nakarinig ng mabibigat na salita mula sa isang papa at ipinalagay na ipinabatid na kay Francis ang mga resulta sa lihim na imbestigasyon na iniutos ni Emeritus Pope Benedict XVI matapos ang pagpuslit ng mga papeles noong 2012.
Inatasan ni Benedict ang tatlong pinagkakatiwalaang cardinal nito na mag-imbestiga sa back-stabbing culture ng Vatican upang matukoy kung ano ang nagtulak sa isang papal butler na nakawin ang mga incriminating documents at ilabas ito sa isang mamamahayag. Ang kanilang ulat ay ipinaalam lamang sa dalawang papa.
Mabibigat ang mga salita ni Francis: Kung paano ang terrorismo ng tsismis “[can] kill the reputation of our colleagues and brothers in cold blood.” Kung paanong ang mga clique o paggrupo-grupo “[can] enslave their members and become a cancer that threatens the harmony of the body” at kalaunan ay papatayin ito sa pamamagitan ng “friendly fire.” Kung paano ang iba ay naghihirap sa “spiritual Alzheimer’s,” nakakalimutan kung ano ang nagtulak sa kanilang mag-pari sa simula.
“The Curia is called on to always improve itself and grow in communion, holiness and knowledge to fulfill its mission,” sabi ni Francis. “But even it, as any human body, can suffer from ailments, dysfunctions, illnesses.”
Si Francis, ang unang papa na Latin American at hindi nagtrabaho sa Italian-dominated Curia bago siya mahalal, ay hindi rin nagpatumpik-tumpik sa pagreklamo sa mga tsismisan, careerism at bureaucratic power intrigues na nakaaapekto sa Holy See. Nagpahaging din siya tungkol sa mga kasalanang ito sa kanyang 2013 Christmas address.
“This is a speech without historic precedent,” sabi ng church historian na si Alberto Melloni, contributor sa Italian daily na Corriere della Sera, sa isang panayam sa telepno. “If the pope uses this tone, it’s because he knows it’s necessary.”
Hindi natuwa ang mga cardinal. Iilan lamang ang ngumiti habang nagtatalumpati si Francis, at sa dulo ay napilitan lamang na pumapalakpak sa talumpati. Binati ni Francis ang bawat isa ngunit, matamlay ang Pasko sa silid.
Sinimulan ni Francis ang kanyang listahan sa “ailment of feeling immortal, immune or even indispensable.”
At isa-isa: Ang pagiging magkakaribal at pagpapayabangan. Pagnanais na magkaroon ng mga bagay. Pagkakaroon ng “hardened heart.” Panunuyo sa mga superior para sa personal na kapakinabangan. Pagkakaroon ng “funereal face” at pagiging “[too] rigid, tough and arrogant,” lalo na sa mga nasa mababa.
Sa dulo ng kanyang talumpati, hiniling ni Francis sa mga pari na manalangin na ang “wounds of the sins that each one of us carries are healed” at upang ang Simbahan at ang Curia ay maging malusog.