PASASALAMAT sa pagmamalasakit ni Pope Francis at ng mga Pilipino sa isa’t isa ang mensahe ng bagong kampanya ng ABS-CBN na Thank You sa Malasakit: Pope Francis sa Pilipinas na inilunsad noong Martes (Dec 16) bilang hudyat ng 30 na araw na nalalabi bago dumating ng Santo Papa sa bansa.
Sa ‘Pista Para sa Santo Papa’ na inihanda ng “Bayan Mo, iPatrol Mo” sa La Consolacion College, hinikayat ng ABS-CBN ang bawat Pilipino na ibahagi ang kanilang mga mensahe ng pasasalamat kay Pope Francis sa pamamagitan ng nasabing kampanya.
Bukod sa pagdiriwang sa kanyang pagdating sa Enero, hinihimok din ng kampanya ang publiko na tularan ang mga itinuturo ng Santo Papa at magmalasakit sa iba.
Sa pamamagitan din ng paggamit ng opisyal na hashtag na #PopeTYSM (Pope Thank You Sa Malasakit) sa social media, maaaring ipadala ang kahit anong personal na mensahe, dasal, o tula para sa Santo Papa. Maaaring mapasama ang ilang posts na ito sa Book of Thanks na ipaparating ng ABS-CBN kay Pope Francis.
Ang lahat naman ng posts sa Twitter at Facebook na may hashtag na #PopeTYSM ay makikita sa www.abs-cbnnews.com/popefrancisphwall.
Maglilibot din ang PopeTYSM booth sa mga piling lugar sa Pilipinas na maaaring mag-record ang sinuman ng espesyal na thank you message para kay Pope Francis.
Manatiling nakatutok sa ABS-CBN, ANC, DZMM Radyo Patrol Sais Trenta at DZMM TeleRadyo para araw-araw na maghatid ng mga pinakahuling balita ukol sa lahat ng mga paghahanda ng iba’t ibang sektor bago ang pagbisita ni Pope Francis, at maging mga espesyal na reports tampok ang mga taong nabigyan ng inspirasyon ni Pope Francis.
Hatid din ng ABS-CBNNews.com, anc.yahoo.com, at dzmm.com.ph ang mga balitang ito para sa mga tagasubaybay ng Santo Papa online. Sa www.abs-cbnnews.com/PopeFrancisPH naman matatagpuan ang lahat ng special articles, multimedia features, at TV reports tungkol sa Santo Papa na naipalabas sa TV Patrol, Bandila, at Umagang Kayganda.
Ngayong Disyembre, sulyapan sa documentary program na Mukha sa ABS-CBN at ANC tampok ang mga karanasan ng mga taong personal na nakausap o nakatagpo si Pope Francis. Kabilang na rito sina Archbishop Socrates Villegas, and pangulo ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines; Bishop Bong Baylon na sa pambihirang pagkakataon ay naka-selfie si Pope Francis (Dec 18 sa ANC at Dec 22 sa ABS-CBN); ang healing priest na si Fr. Joey Faller na dalawang beses nang nakita nang malapitan ang Santo Papa (Dec 25 sa ANC at Dec 29 sa ABS-CBN); at si Fr. Rico Ayo, na naka-selfie rin si Pope Francis sa kanyang pagbisita si Roma (Jan 1 sa ANC at Jan 5 sa ABS-CBN).
Sa buong buwan ng Enero, linggu-linggong maghahain ng dokumentaryo ang ABS-CBN Sunday’s Best tampok ang buhay ng Santo Papa at ang masusing pagbabalik-tanaw sa kanyang pagbisita sa bansa.
Para naman masundan ang kuwento ng PopeTYSM mula sa mobile phone, bisitahin ang PopeTYSM channel sa iWanTV para makita ang consolidated videos at features ng ABS-CBN at maging ang activities ng Santo Papa. Panoorin ang mga ito live o kahit saan at kailan sa pamamagitan ng iWant TV app gamit ang ABS-CBNmobile SIM.
Maaaring tutukan ang Thank You sa Malasakit: Pope Francis sa Pilipinas coverage ng ABS-CBN Channel 2, ANC (SkyCable Channel 27), DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), DZMM Radyo Patrol Sais Trenta, ABS-CBNNews.com, anc.yahoo.com, and dzmm.com.ph.