Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang limang miyembro ng kilabot na Said Utto robbery-holdup gang sa kanilang safe house sa Taguig City kahapon.

Nakadetine ngayon sa Camp Crame ang mga naarestong suspek na sina Roger Pantas, Abdul Abunog, Ronnie Imbalgan, Junjun Pantay at Dodoy Jubero.

Narekober sa mga suspek ang tatlong uri ng kalibreng baril at aabot sa 130 gramo ng hinihinalang shabu nang salakayin ng awtoridad ang pinagkukutaang bahay sa Barangay Napindan,Taguig City.

Inihayag ni CIDG Director Benjamin Magalong, ang grupo ay sangkot sa serye ng panghoholdap sa Metro Manila at karatig lalawigan.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Idinadawit din ang limang suspek sa mga kaso ng pananambang bilang gun-for-hire group at may ilegal na operasyon sa ipinagbabawal na droga.

Ayon sa datos ng PNP kabilang ang grupo sa sinasabing 61 grupong kriminal na kumikilos sa Metro Manila na tinututukang sugpuin at buwagin ng pulisya.