Ipinasa ng Kamara bago ito nag-adjourn para sa Christmas break ang ilang mahahalagang panukala, kabilang ang “Philippine Maritime Zones Act”.
Ang inaprubahang panukala (HB 4889) ay inakda nina Albay Reps. Al Francis Bichara, Francisco L. Acedillo, Rep. Rodolfo Biazon at Jose Zubiri III.
“The proposed statute seeks to provide for the necessary flexibility in the enactment of subsequent laws pertinent to the rights and obligations to which the Philippines is entitled and may exercise over its maritime zones in accordance with the UNCLOS,” ayon sa mga may-akda.
Anila, ang Pilipinas ay signatory sa UNCLOS na kumikilala sa pagtatatag ng iba’t ibang maritime zones at hurisdiksiyon ng coastal states, kabilang ang teritoryo nito, na ang soberanya at iba pang karapatan, ay maaaring isagawa.
“This bill is a general declaration and definition of the maritime zones under the jurisdiction of the Philippines,” pahayag ng mga awtor.