OLONGAPO CITY – Dapat na tapusin ang 21-araw na quarantine period sa Olongapo City sa susunod na apat pang araw.

Ito ang paglilinaw ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino nang kapanayamin kahapon. Aniya, nakipag-usap ang Department of Health (DoH) sa hepe ng James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) tungkol sa dalawang overseas Filipino worker (OFW).

Sinabi ni Paulino na pinigil ang dalawa sa isang ospital sa San Marcelino pero hindi nagkaroon ng contact sa kahit sino mula sa JLGMH.

Nilinaw pa ni Paulino na tinanggihan ng JLGMH ang dalawang OFW hindi dahil ayaw gamutin ang mga ito kundi dahil may pagamutan na higit na makatututlong sa mga ito.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ang dalawang OFW na hinihinalang may Ebola virus ay bahagi ng seven-man team na umuwi sa bansa para rito mag-Pasko. (Jonas Reyes)