Nilagdaan na ni Pangulong Aquino ang P2.606 trilyong national budget bilang batas, o Republic Act 10651.

Ang 2015 national budget ay mas mataas ng 15.1 porsiyento sa 2014 national budget na umabot sa P2.265 trilyon.

Ilalaan ang pinakamalaking bahagi ng national budget sa Department of Education (DepEd) sa halagang P367.1 bilyon, na mas mataas ng 18.6 porsiyento kumpara sa nakaraang taon; sinundan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), P303.2 bilyon; Department of National Defense (DD), P144.5 bilyon; Department of Interior and Local Government (DILG), P141.4 bilyon; Department of Health (DoH), P108.2 bilyon; Department of Social Welfare and Development (DSWD), P103.9 bilyon.

Department of Agriculture (DA), P89.1 bilyon; Department of Transportation and Communication (DoTC), P59.9 bilyon; Departmetn of Environment and Natural Resources (DENR), P21.5 bilyon; at Department of Science and Technology (DoST), P17.8 bilyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naglaan ng mas malaking pondo ang administrasyong Aquino sa programa laban sa kahirapan at pagpapalago ng ekonomiya.

Para sa serbisyong panlipunan, naglaan ng P62.3 bilyon para sa Conditional Cash Transfer (CCT) program kung saan target mabiyayaan ang 4.3 milyong maralitang pamilya.

Sa aspeto ng edukasyon, aabot sa P53.9 bilyon ang ilalaan sa konstruksiyon ng 31,728 bagong silid-aralan at pagkukumpuni ng 9,500 iba pa.

Magbubuhos din ang gobyerno ng P21.7 bilyon para sa rehabilitasyon ng mga lugar na naapektuhan ng super typhoon “Yolanda” sa ilalim ng programang “Build Back Better.”

Ito na ang ikalimang pagkakataon na nilagdaan ang General Appropriations Act sa itinakdang panahon sa ilalim ng administrasyong Aquino.