Ang Noche Buena (Español para sa “magandang gabi”), na tradisyunal na piging sa Bisperas ng Pasko na tinatamasa at kinasasabikan ng mga pamilya sa buong mundo sa panahon ng Pasko, ay gumugunita sa “magandang gabi” nang isilang ng Mahal na Birheng Maria si Jesus. Ipinagdiriwang matapos ang huling misa ng Simbang Gabi, ang Noche Buena ay isang nirerespeto, magandang tradisyon, na ipinapasa sa maraming henerasyon, na nakahabi sa mga Pilipino. Ang Bisperas ng Pasko ay hindi kumpleto kung walang piging sa Noche Buena pagkatapos ng huling misa ng Simbang Gabi.

Sa gitna ng masayang sandali ng Nativity, nagtitipun-tipon ang mga pamilya sa kanilang tahanan sa bahay ng kanilang kamag-anak upang makibahagi sa espesyal na mga pagkain na popular sa Noche Buena – hamon at keso de bola, salad, barbecue, pasta, cake, mga panghimagas, mainit na tsokolate, at alak para sa tradisyunal na toast. Ang mga panghimagas ay maaaring kabilangan ng malagkit na bibingka, puto bumbong, at suman na ibinebenta sa labas ng simbahan pagkatapos dumalo ang mga parokyano sa misa.

Sa Pilipinas at sa ibang bansa, nasa sentro ng selebrasyon ng Noche Buena ang lechon. Ang tradisyon ay nagsimula noong ika-15 siglo nang mangaso ng mga baboy ang mga kolonistang Carribean at ihawin ang mga ito habang nangagkatipon ang mga pamilya sa bisperas ng Pasko.

Idinaraos sa Pilipinas ang pinakamahabang panahon ng Pasko sa daigdig, mula sa pagsisimula ng Simbang Gabi sa Disyembre 16 hanggang sa kapistahan ng Epifania sa unang Linggo pagkatapos ng New Year’s Day. Noong ika-16 siglo, sinabing nagkaroon ng Noche Buena dahil iniutos ng mga prayleng Kastila na mag-ayuno ang mga parokyanong Pilipino hanggang sa umaga ng Araw ng Pasko. Dahil sa gutom matapos dumalo ng Simbang Gabi, lihim silang kumain sa gabi bago matulog.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinakahihintay ng mga Pilipino ang Noche Buena, kung kaya kahit na yaong mga nakatira sa ibayong dagat ay nagbabalik-bayan upang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay at nakikibahagi sa piging na ito sa hatinggabi, na may tawanan, kuwentuhan, at pagbibigay ng mga regalo at pag-awit ng mga awiting pamasko. Isa itong pangmatagalang tradisyon na hindi nawawala sa bawat Pilipino saan man sila naroon, at sa kabila ng modernismo at umaangat na teknolohiya. Dito lumulutang ang tunay na kaugaliang Pilipino.

Ang Noche Buena ay isang kaugalian na ating hiniram sa Mexico, kung saan nangagkatipon ang mga pamilya at magkakaibigan pagkatapos ng Simbang Gabi upang magbigayan ng regalo at magbatian, mag-bonding, at makisalo sa masarap na piging na popular sa okasyon at napapanahong mga prutas tulad ng ubas, mansanas, at orange. Tulad ng Pilipinas, ang kapistahang Kastila ay kinabibilangan ng hapunang pamasko kasama ang pamilya at mga kaibigan pagkatapos ng misa. Sa Latin America, idinaraos ang Bisperas ng Pasko bilang huling gabi ng Posadas. Sa New Mexico, may mga pailaw at nakasindi ang mga farolito (mga nakabiting lampara).