Galedo_01-blk-copy-619x413

TARLAC, Tarlac – Inangkin ng reigning Le Tour de Pilipinas champion na si Mark John Lexer Galedo ang karanglan bilang kampeon ng ikalawang yugto ng Roadbike Philippines 7-Eleven Race Series na idinaos dito sa pakikipagtulungan ng LBC Ronda Pilipinas 2015.

Tinapos ni Galedo ng Team, 7-Eleven by Roadbike Philippines ang 152 kilometrong karera sa tiyempong 4 na oras, 17 minuto at 45 segundo, apat na minuto at 26 na segundo ang layo sa sumegunda sa kanyang si Ronald Lomotos na naorasan ngf 4:22:11.

Beterano na rin ng maraming international races sa ibang bansa, nagamit ni Galedo ang kanyang karanasan upang matupad ang planong solong pagtawid sa finish line.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tumapos namang pangatlo sa kanila si Oranza ng Team LBC na nahuli ng apat na minuto at 26 na segundo kay Galedo matapos bigyan ng identical clocking na gaya ng kay Lomotos.

Pumang-apat naman ang Nueva Ecijanong si Nelson Martin na naorasan ng  4:22:20 habanag panglima naman ang bagong miyembro ng Team LBC na si George Oconer na nagtala ng tiyempong 4:22:46.

Nakatawid namang pang-anim ang isa pang beteranong rider ng 7-Eleven na si Baler Ravina.

Naorasan ang unang Filipino rider na nagwagi sa Le Tour ng 4 na oras, 25 minuto at 38 segundo habang kasunod niya ang isa pang taga Nueva Ecija na si Oscar Rindole na naorasan naman ng 4:25:39.

Nakapasok naman sa top 10 sina dating Ronda champion Santy Barnachea (4:25:42), Kim Nasino (4:27:03) at Joel Calderon (4:28:24).

Nanguna rin sa Sprint sina Galedo at Lomotos na nagtala ng 7 at 5 puntos ayon sa pagkakasunod sa apat na sprint ng karera.

Samantala, tiniyak naman ng race director na si Ric Rodriguez na nagkataong race director din ng LBC Ronda Pilipinas na lahat ng mga nangunang sampung junior riders sa juniors category ay may malaking tsansa na makalahok sa darating na karera sa susunod na taon.

Nanguna sa juniors category sina Jayson Gupit ngf LBC, Jay Lampawog ng Roadbike philippines at Alvin Mandi ng naabing karera na magkakatulong na itinaguyod ng mga lokal na opisyales ng lalawigan ng Tarlac kabalikat sina  Philippine Seven president Vic Paterno at  Roadbike Philippines president Engineer Bong Sual.