Ideneklara ng Palasyo ang Enero 15, 16 at 19, 2015 bilang “special non-working days” sa Metro Manila upang bigyang daan ang pagbisita ni Pope Francis.

Nilagdaan kahapon ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang Proclamation No. 936 na nagdedeklara sa Enero 15 (Huwebes), Enero 16 (Biyernes), at Enero 19 (Lunes) bilang mga special non-working day sa National Capital Region upang magbigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan, partikular ang mga Kristiyano, na makibahagi sa mga pagtitipon para kay Pope Francis.

Sa unang pagkakataon, bibisita si Pope Francis sa bansa simula Enero 15 hanggang Enero 19, 2015.

Kabilang sa bibistahin ng Papa ang mga lugar sa Eastern Visayas na matinding nasalanta ng bagyong “Yolanda” noong Nobyembre 2013.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Siya ang ikatlong lider ng Simbahang Katoliko na bibisita sa Pilipinas matapos magtungo sina Pope Paul VI noong 1970 at Pope John Paul noong 1981 at 1995.

Jorge Mario Bergoglio sa tunay na pangalan, nailuklok siya bilang ika-266 lider ng Simbahang Katoliko noong Marso 13, 2013 matapos ang pagbibitiw ni Pope Benedict XVI noong Pebrero 28, 2013.

Nakatakda ring makapulong ni Pope Francis si Pangulong Aquino sa limang araw na pagbisita nito sa bansa.