BUENOS AIRES (AFP)— Hinatulang makulong ng isang korte sa Argentina noong Lunes ang isang doktor at isang midwife sa kanilang papel sa pagdukot ng mga bagong silang mula sa kanilang mga ina sa panahon ng diktadurya noong 1976-1983.

Senentensiyahan ng korte ang retired military doctor na si Norberto Atilio Bianco, 69, ng 13-taon, at ang midwife na si Yolanda Arroche, 85, ng pitong taon. Sila ay nilitis sa pagtatrabaho sa isang lihim na paanakan sa Campo de Mayo prison.

Sa panahon ng diktadurya, dinukot ng militar ang mga buntis, pinosasan, piniringan at ikinulong hanggang manganak. Ang kanilang mga anak ay ibinigay sa military staff o mga tagasuporta ng gobyerno dala ang mga pekeng pangalan.

Hinatulan din ng korte si Santiago Omar Riveros, 91, at dating diktador na si Reynaldo Bignone, 86, ng 30 at 16 taon ayon sa pagkakasunod. Nahaharap sila sa habamubuhay na pagkakakulong sa iba pang krimen laban sa sangkatauhan.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Tinatayang 30,000 ang pinatay o dinukot sa panahon ng diktadurya. Sa 500 sanggol na ninakaw sa kanilang mga dinukot na ina, 115 ang naibalik sa pamamagitan ng genetic testing.