MILWAUKEE (AP) – Isang taong may kinalaman sa mga pribadong negosasyon sa pagbili sa Milwaukee Bucks ang nagsabi sa The Associated Press na ang bagong ownership group ay nangako ng karagdagang $50-milyon para sa pagpapatayo ng bagong arena.

Ang nasabing hakbang ay kinumpirma kahapon ng source na hiniling na huwag siyang pangalanan dahil hindi ito awtorisadong maglabas ng mga detalye.

Sina Marc lasry at Wesley Edens ay nag-pledge ng may $100-milyon makaraang bilhin ang koponan noong Abril mula kay U.S. Sen. Herb Kohl, na nangako rin ng $100-milyon para sa bagong arena. Ang karagdagang pera ay nagtaas sa pledge ng mga bagong may-ari para sa bagong arena sa $150-milyon.

Ang The Milwaukee Journal-Sentinel ang unang nag-ulat ng tungkol sa pledge. Sinabi ng mga bagong may-ari ng koponan na aabot sa halos $400-milyon ang gugugulin para sa pagpapatayo ng kanilang bagong tahanan.
National

Meralco, may dagdag-singil ngayong Pebrero