BORACAY ISLAND - Dalawang cargo barge ang sumadsad sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan sa magkahiwalay na pagkakataon dahil sa low tide.
Ayon sa report ng Philippine Coast Guard (PCG)-Caticlan, unang sumadsad ang M/V DLC Roro sa cargo beaching area sa Barangay Manoc Manoc nitong Disyembre 16.
Makalipas ang ilang araw, dumating ang isa pang barge na LCT Sydney Allysa para saklolohan ang sumadsad na barko pero minalas na sumadsad din ito nang tangkaing hilahin ang M/V DLC Roro.
Dahil dito, minabuti ng PCG na hintayin ang high tide sa Boracay para mahila ang dalawang barko, na matagumpay namang naisagawa noong Disyembre 20.
Pero dahil sa insidente ay pansamantalang natigil ang operasyon ng iba pang cargo barge na patungo sa isla, ngunit bumalik na sa normal ang operasyon sa ngayon.