Disyembre 23, 1888 nang putulin ng Dutch painter na si Vincent van Gogh ang ibabang bahagi ng kanyang kaliwang tenga gamit ang pang-ahit, dahil dumadanas siya ng matinding depression, sa Arles, France. Nauna rito, tinutukan niya ng patalim ang kanyang kaibigan. Idinokumento ni Van Gogh ang insidente sa kanyang painting na may titulong “Self-Portrait with Bandaged Ear.”
Halos dalawang buwan nang nagtatrabaho nang magkasama sina Van Gogh at Paul Gauguin nang magkaroon ng tensiyon sa pagitan nila. Tanawin ang paboritong ipininta ni Van Gogh.
Isinilang siya sa Netherlands noong Marso 30, 1853. May komplikadong personalidad, nagtrabaho siya bilang preacher para sa mahihirap na minero sa Belgium. Noong 1880, naging artist siya.
Hulyo 27, 1890 nang magbaril siya sa sarili at pumanaw siya makalipas ang dalawang araw. Itinuturing siya ngayon na isang artistic genius, pero binalot ng kalungkutan ang buo niyang buhay, partikular bilang isang pintor, ay iisang obra lang ang kanyang naibenta.