alonzo-and-ryzza-392x500

TULUY-TULOY ang Midas Touch ni Bossing Vic Sotto, hindi lamang sa kanyang sarili kundi maging sa mga alaga niyang sina Ryzza Mae Dizon ngayon at kay Aiza Seguerra noon.

Hindi niya tinatantanan ang pag-aalaga at paghuhubog sa kanila hindi lamang sa umpisa kundi hanggang sa paglaki at posibleng habang-buhay na rin. No kidding.

Sa pang-MMFF na handog ni Bossing Vic, kasama ang mga kasosyo niyang OctoArts,APTFilms at sarili niyang M-ZetFilms, kasama niya sa tatlong episodes ng My Big Bossing si Ryzza Mae na pumapel bilang "Sirena," with Marian Rivera in "Taktak" at "Prinsesa" willi Nikki Gil.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Buong-buo ang loob ni Bossing Vic na ka-tandem si Ryzza Mae sa halip na mga leading lady niyang pawang ubod ng gandang sina Marian, Nikki Gil, at Pauleen Luna.

Hindi magiging buo ang pelikula o ano mang project niya ngayon kung wala si Ryzza Mae, or vice versa.

"Ang wish ko this Christmas ay makasama lagi si Bossing Vic sa susunod na MMFF," ani Ryzza. Nakalimutan niyang dagdag ang "forever and ever."

"Marami na po akong toys, sapatos, damit, gadgets, kaya iba naman ang wish ko. Ang makasama niyang lagi. Pati kasi bahay, lupa at Fortuner (sasakyan) ay mayroon na rin po ako. May teacher pa ako from international school na pumupunta sa bahay ko once a week. Kaya, puwede ko nang labanan si Alonzo (Muhlach) sa inglesan," patuloy niya.

Noon daw kasing gawin nila ni Bimby Aquino Yap ang My Little Bossings, nag-nosebleed siya.

"Ngayon, si Alonzo na ang sumusuko sa akin. Pikon na pikon 'yan kapag tinutukso ko na crush niya ako. Four years old lang kasi si Alonzo, malikot pa. Nahihilo ako sa kaiikotniya. Parang trumpo," patuloy ni Aling Maliit.

Kung si Aiza ang lucky charmni Vic noong 1990s, walang dudang si Ryzza naman ang pampasuwerte niya ngayon.

Naalaala ko rin si Aiza noong bata pa ito. Ayaw sa mga lamang pambabae, at "baril-barilan ang gusto ko at kotse-kotsehan" ang lagi niyang sagot kapag natatanong kung ano ang gusto niyang regalo 'pag Pasko. Iyon, noon pa man ay hinulaan na ni Bossing Vic na magiging karibal pa niya si Aiza sa mga chicks niya.

Kung nasaan si Bossing Vic noon, naroon din si Aiza. Kahit noong panahong humina ang career ni Aiza dahil nagdadalaga/ nagbibinata na ay suportado pa rin siya ni Bossing Vic. Walang project sa pelikula at TV na wala si Aiza. Nariyang anak, ampon, nakababatang kapatid o ano pa man, basta nariyan siya anuman ang project ni Bossing Vic.

Nitong ikasal si Aiza sa kapwa babae niyang beauty queen na si Liza Dino, nariyan pa rin si Bossing Vic.

Sa paglaki ni Ryzza, asahang ang Aling Maliit ay magiging Aling Malaki na rin. Pero, hindi siya susunod sa mga yapak ni Aiza. Tinitiyak ng mommy ni Ryzza na magiging Aling Malakina ito at may negosyong chain of sari-sari stores at internet shops, ha-ha-ha.