NUEVA ECIJA - Todo alerto ang Nueva Ecija Police Provincial Office, sa pangunguna ni Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, upang tiyakin ang kaayusan at katahimikan kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Bagamat payapa ang lalawigan, sinabi ni Nieves na paiigtingin pa rin nito ang police visibility sa matataong lugar, lalo na kapag Simbang Gabi, partikular sa mga parke, vital installation, tourist spot at iba pang gaya nito.

“Doble ang effort namin na gagawing foot patrol na naka-uniporme at naka-sibilyang mobile patrol, monitoring at surveillance sa mga lugar na matao upang mapanatili natin ang kaayusan sa lalawigang ito,” ani Nieves.

Ipagbabawal din sa probinsiya ang pagbebenta at paggamit ng paputok.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza