Sa pagdating ni Pope Francis sa Enero 15, 2015, tatanawin siya bilang ama ng kanyang kawan ng mahigit 1.3 bilyong Katoliko sa buong daigdig na bibisita sa nag-iisang bansang Kristiyano sa asia. ang Papa, gayunman, ay isang tao na may maraming bahagi at ang bahaging prominenteng nakita ng daigdig noong nakaraang linggo ay ang kanyang pagiging international peacemaker dahil sa kanyang papel sa pagwakas ng kalahating siglong alitan ng United States (US) at ng Cuba.

Ngayong napag-liwanag na noong nakaraang taon, na nagsisikap ang administrasyon ni Pangulong Barack Obama at ang Vatican upang gawing normal ang ugnayan nito sa Cuba. Inilutang ng Papa ang bagay na ito kay Pangulong Obama nang bumisita ang huli sa Vatican noong Marso. Lumiham ang Papa kina Pangulong Obama at Pangulong Raul Castro ng Cuba upang himukin silang resolbahin ang “humanitarian questions of common interest,” partikular na sa situwasyon ng mga preso ng kapwa panig. Ang Canada ang nag-abala sa mga sumunod na pag-uusap.

Si Pope Francis mismo ang nag-abala ng huling pulong sa Vatican noong Oktubre. Humantong sa kasunduan sa isang tawag sa telepono nina Obama at Castro noong nakaraang linggo. Nang magtalumpati siya sa mga mamamayan ng amerika tungkol sa kasunduan, pinasalamatan ni Pangulong Obama si Pope Francis sa papel nito sa peace process, sinabi na ang kanyang “moral example shows us the importance of pursuing the world as it should be, rather than simply settling for the world as it is.”

Si Pope Francis, ang peacemaker, ay nagsikap din para sa kapayapaan sa iba pang pandaigdigang mga isyu. Matapos bisitahin ang Middle East noong Hunyo, nag-abala siya ng isang “prayer summit” para sa Israeli at Palestinian presidents sa Vatican. Sa nagaganap na labanan sa Syria at Iraq, binatikos niya kamakailan ang pagmamaltrato ng Islamic State sa mga Kristiyano, ngunit nakita rin niya ang kalagayan ng mga Muslim na nagdurusa dahil sa pagkakaugnay sa terorismo, habang isang relihiyon ng kapayapaan ang Islam.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Ang Pilipinas na bibisitahin ni Pope Francis sa Enero ay may mga suliranin din sa kapayapaan – partikular na ang mga rebeldeng komunista at mga Muslim front sa Mindanao. Umaasa at dinadalangin natin na ang presensiya niya sa ating bansa sa Enero ay makatutulong kahit paano na masumpungan ang isang kondisyon na kaaya-aya sa pagtalakay at pagsisikap para sa kapayapaan. Iyon ang magiging pinakadakilang biyaya na hatid ng kanyang pagbisita sa ating bansa.