Hindi magpapadala ng representante ang Philippine Olympic Committee (POC) sa itinakdang eleksiyon sa ngayon ay pinag-aagawan na Philippine Volleyball Federation (PVF) sa darating na Enero 9.

Ito ang napag-alaman mula mismo kay POC Membership Committee chairman at 1st Vice President Joey Romasanta dahil sa pagkakaroon ng national sports association (NSA) sa volleyball ng dalawang rehistrasyon sa Securities and Exchange Commission (SEC).

"The PVF has two SEC registration which had two different sets of officials," sabi ni Romasanta na kinuwestiyon ang pagiging lehitimo ng dalawang umaangking grupo base sa rehistrasyon ng SEC. "Kailangan nilang ayusin ang mga dokumento nila," sabi pa nito.

Inamin naman ni PVF secretary general Dr. Rustico "Otie" Camangian na may dalawang SEC registration kung saan ang isa na ipinarehistro noong taong 2005 na nasa liderato ng dating pangulo ng asosasyon na si Pedro Mendoza kasama bilang opisyal sina Victor Abalos, Minerva Pante, Vangie De Jesus ay “revoked.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We communicated with POC Secretary General Steve Hontiveros and he said they cannot sent an observer in the election because dalawa ang SEC registration ng PVF. If they (POC) really want to know the legality, then they should ask the SEC kung sino ang real at legal personality sa PVF,” paliwanag ni Camangian.

Ipinaliwanag pa ni Camangian na kinailangang iparehistro ang PVF noong 2005 base sa kagustuhan ng PSC para makakuha ng pondo at tulong pinansiyal sa ahensiya. Gayunman, bunga ng hindi pagsusumite ng annual report at financial statement ang asosasyon ay inalisan o narevoked ang rehistrasyon nito sa SEC.

Idinagdag pa ni Camangian na kahit hindi walang opisyales ang POC ay kanilang ipagpapatuloy ang itinakdang eleksyon sa darating na Enero 9 na matagal nang inaasahan ng mga stakeholders ng asosasyon mula sa lugar ng Tawi-Tawi hanggang sa liblib ng lugar ng Baguio City.

“We had a total of at least 19 stakeholders, kasama na diyan ang UAAP, NCAA, Philippine Super Liga at Shakey’s V-League, all over the country. Halos lahat sa kanila ay matagal nang alam na ngayong 2015 ang general assembly at ang posibleng eleksiyon. So kung sino ang gustong maging opisyales, that is the right time,” sabi pa nito.