Nag-alok ng pabuya sa sinumang makapagtuturo sa tatlong kasapi ng Highway Patrol Group (HPG)-7, na dalawa sa mga ito ay opisyal, makaraang mabigong maaresto ang mga ito sa Camp Crame kasunod ng inilabas na arrest warrant laban sa mga ito.

Ito ang sinabi ni Cebu City Councilor Nestor Archival matapos na makatakas ang mga akusado sa pagpatay kay Atty. Noel Archival, upang mapadali ang pagaresto sa mga suspek na kinilalang sina Senior Supt. Romualdo Iglesia, Senior Insp. Joselito Lerion at PO1 Alex Bacani.

Sinabi ng konsehal na importante umano ang pabuya para sa ikadarakip ng mga suspek.

Nakatakas ang tatlo habang nakatalaga sa Personnel Holding Administrative Section ng Highway Patrol Unit sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame sa Quezon City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nang isilbi na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang warrant of arrest sa mga suspek sa tanggapan ng holding area ay hindi na natagpuan ang tatlo.

Nagbanta rin ang legal counsel ng pamilya Archival na kakasuhan ang mga pulis sa Camp Crame na nagsabwatan umano para makatakas ang tatlong suspek.

Matatandaang Pebrero 18, 2014 nang paulanan ng bala ang sasakyan ni Atty. Archival sa Dalaguete, Cebu na ikinasawi niya at ng bodyguard na si Candido Miñoza, habang himala namang nakaligtas ang driver na si Alejandro Jayme.