SEOUL, South Korea (AP) — Si President Barack Obama ay nagkakalalat ng tsismis “recklessly” tungkol sa cyberattack na plinano ng Pyongyangsa Sony Pictures, sinabi ng North Korea, kasabay ng babala na aatakehin nito ang White House, Pentagon at “the whole U.S. mainland, that cesspool of terrorism.”
Ang pahayag mula sa makapangyarihang National Defense Commission noong Linggo ng gabi ay nagbibigay-diin sa pagiging sensitibo ng Pyongyang sa isang pelikula na ang istorya ay umiikot sa pagpatay sa kanyang lider na si Kim Jong Un.
Sinisisi ng US ang North Korea sa cyberattack na nagtaas ng banta ng terror attacks laban sa mga sinehan sa US at nagtulak sa Sony na ikansela ang pagpapalabas sa “The Interview”.
Nagbanta ang National Defense Commission, pinamumunuan ni Kim, na ang kanyang 1.2 milyon kasaping army ay handang gagamitin ang lahat ng warfare laban sa US.
“Our toughest counteraction will be boldly taken against the White House, the Pentagon and the whole U.S. mainland, the cesspool of terrorism, by far surpassing the ‘symmetric counteraction’ declared by Obama,” sabi ng commission’s Policy Department sa isang pahayag na inilabas ng official Korean Central News Agency.
Sinabi ng North Korea na kaya nitong patunayan na wala siyang kinalaman sa hacking at nagpanukala ng joint investigation sa US.