Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na masusustansyang pagkain ang ihain ngayong holiday season.
Ito ang paalala ng DOH bunsod ng inaasahang kaliwa’t kanang kainan at handaan na dadaluhan ng mga Pinoy dahil sa pagsapit ng Pasko.
Sa isang advisory, sinabi ng DOH na ilan sa mga masustansyang pagkain na dapat nasa mesa ay mga gulay at prutas.
“Prepare well-balanced Noche Buena meals. Make sure that vegetable and fruits are on the table together with your traditional ham and queso de bola,” saad sa advisory ng DOH.
Nagpaalala rin ang DOH sa publiko na huwag kumain ng labis sa mga handaan at huwag ring uminom ng sobra-sobra.
Mas makabubuti rin umano kung uminom ng maraming tubig upang mabilis na mabusog at mas gumanda ang metabolism.