Sinimulan na kahapon ng Department of Health (DoH) ang monitoring sa mga biktima ng paputok ngayong holiday season.

Ayon kay DoH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, inaasahang sa panahong ito ay magsisimula nang dumami ang mga nabibiktima ng paputok.

Ang monitoring mula sa 50 surveillance hospital ay tatagal hanggang Enero 5, 2015.

Matatandaang sa pagsalubong sa taong 2014 ay umabot sa 997 ang nasugatan sa paputok, 19 ang tinamaan ng ligaw na bala habang dalawa naman ang nakalunok ng paputok.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Patuloy naman ang panawagan ng DoH sa publiko na sa halip na paputok ay mas makabubuting gumamit na lang ng alternatibo at hindi delikadong pampaingay sa pagsalubong sa Bagong Taon.